Feeling ko nanaman busy ako.
Pero minsan, hihiga nalang ako bigla sa kama ng mga magulang ko at gagawa ng wala. Dun lang kasi pwedeng humiga nalang nang bigla. Yung kama ko, masyadong mataas, may aakyatin ka pang mga kama. Yung kama rin ng isa ko pang kapatid. Yung kay bunso, puno naman ng kung ano anong gamit. Yung kay kuya naman, off limits, kahit malambot yun. Bawal daw pumasok sa kwarto niya. Isa pa, feeling ko ang daming nangyari dun. Yak. Kawawa naman ang ex-kama ko. (Joke lang po.)
Andami ko pang gagawin. Mag-empake, mag-ayos ng kwarto, ayusin ang mga gamit na iiwan ko dito, at magpaalam sa mga tao. At least 10 months ko silang hindi makikita. Maliban nalang kung manalo sila sa lotto o biglang nagkaroon sila ng trabaho na hindi boring na mataas ang sweldo at bisitahin ako sa India. Bakit ba kasi pagkamahal-mahal ng pamasahe? Hindi fair. Nalilimit ang movement ng mga taong mahihirap lang at di kayang maka-afford ng pamasahe.
Anyway, balik sa usapan. Hindi pa ako nakakapag-paalam sa lahat ng tao. Oo nga may despedida ako, may kasabay pa nga ako eh, para tipid. Pero mahirap din kapag ganoon, andami daming tao, hindi mo naman makausap lahat. Gusto ko isa-isahin. Iisa-isahin ko lahat ng hinanakit ko sa bawat taong kilala ko dito. Hindi naman. Babay lang naman.
Feeling ko mga taong malapit nang mamatay ang gumagawa ng mga ganitong bagay. Noong isang araw lang, ipina-"mana" ko na sa mga kapatid ko yung mga damit kong hindi ko na magagamit sa susunod na dalawang taon. Pati yung kama ko, pinag-aagawan na.
Yung nanay ko naman, nagluluksa na. Ay nako. At least kapag may nangyaring masama sa eroplano ko o kung saan man, nakapagpaalam ako ng maayos. Kahit hindi naman ganoon kaayos. Wag naman sana.
Pero ano ba yan? Two years lang naman yan sa at least 50 years ng buhay ko. 50 years kasi ang dami daming sakit sa pamilya namin. Natatakot lang akong mapag-iwanan ng mga pangyayari, parang nung umalis ako sa 'pinas. Pero hindi yan, mas madami naman akong experience points. Mas mabilis ang level up. Haha.
Isa pa, ayoko ngang bumalik doon sa dyaheng eskwela ko dito. Sabi ko nga, either matatanggap ako sa india o titigil ako sa pag-aaral (kahit na ilegal yun dito para sa age ko). Mas madami pa akong matututunan kung magseself study ako.
Kasi naman eh. Bakit ba nakasalalay ang magiging trabaho sweldo ng isang tao sa pinag-aralan niya? Di patas.
